top of page
KIDS (2).png

e-Books

Sharing is Caring

Lakshmi Supriya

Author:

Publisher:

StoryWeaver Community

Description:

Its about a 4 friends

Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga

Aurora E. Batnag

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Nagtatagpo ang lohika, matematika, sining, at pilosopiya sa klasikong nobelang Ingles na Alice in Wonderland ni Lewis Carroll. Sa bisa ng makabagong parabula at paradoha, at sa puso at pusod ng tinig-kamalayan ng batang persona, mabisang natutunghayan ang iba’t ibang danas at pagpapakaranasan sa buhay – mula sa iba’t ibang digri ng dahas hanggang sa iba’t ibang antas ng paglaban at paglaya. Napapanahon pa rin ang nobelang ito, lalo’t higit sa konteksto ng kasalukuyang mga krisis ng bansa at mundo. Higit na naiangkop sa mambabasa ng Pilipinas ang nobelang ito dahil sa malimi, malikhain, masigasig, at mapanuring pagsasa-Filipino ng dangal ng wikang si Dr. Aurora E. Batnag. Si Dr. Aurora E. Batnag ay nagretirong Direktor III sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nagtamo ng mga gantimpala sa pagsulat ng maikling kwentong pambata at maraming nalathalang pampanitikang salin. Konsultant ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), miyembro ng Executive Committee ng Komite sa Wika at Salin ng NCCA, dating pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), at dating miyembro ng Lupon ng mga Konsultant sa Filipino sa De La Salle University – Manila. Ginawaran siya ng Dangal ng Wika 2020 ng KWF.

Sugat sa Dibdib ng Lungsod

Soliman A. Santos

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ang mga tula ni Soliman Agulto Santos ay mabibisang aralin sa ekonomiyang pampulitika ng lumalalim at tumitinding mga ugnayang malapyudal sa kanayunan ng Pilipinas… Mahusay na nailalarawan ng mga tula ni Santos ang dati nang pagsasamantala at karukhaan sa nayon na tradisyonal na paksain ng panitikan, ngunit masasabing higit na sensitibo rin ang kanyang mga obra sa mga masasalimuot na kontemporaryong kontradiksyon na nalilikha ng mga papalalim at papatinding mga ugnayang kapitalista sa larangang agrikultural. Ang dating mga ugnayang paternalistiko at pyudal ay ganap nang napapalitan ng mga ugnayang tahasang magkasalungat at marahas.

Suri, Saliksik, Sanaysay: Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino

David Michael M. San Juan

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Koleksiyon ng mga nirebisang lektura, papel pangkumperensiya, artikulo, saliksik, at mga sanaysay sa nakaraang humigit-kumulang unang dekada ng pagtuturo, pananaliksik, at pakikisangkot-panlipunan ng may-akda ang aklat na ito… Higit sa lahat, ang aklat na ito’y bahagi ng adbokasing pangwika ng may-akda bilang isa sa mga convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na itinatag noong 2014 upang labanan ang tangka ng Commission on Higher Education (CHED) na paslangin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ang paglilimbag ay pagsasakapangyarihan, at ang lawak at saklaw ng koleksiyong ito’y bahagi lamang ng napakalawak pang erya ng disiplinang Filipino – na magpapatunay na ang Filipino’y isang disiplinang karapat-dapat lamang pag-aralan sa kolehiyo at lagpas pa.

Suring Supling: Kalipunan ng mga Rebyu ng mga Aklat Pambata sa Pilipinas

Rose Torres-Yu, Cheeno Marlo Sayuno, at Jose Monfred Sy

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Bukod sa paglathala ng mga aklat pambata, paggamit ng mga ito sa pagkatuto, pagpaparating nito sa mga batang mambabasa, at pagsasaakademiko ng mga ito, mahalaga ang papel ng pagsulat ng mga rebyu ng aklat pambata. Nabibigyan nito ng panibagong susón ang pagpapakahulugan sa mga kuwentong isinulat para sa mga batang mambabasa. Nabibigyan din ng atensiyon ang mga akdang may malaking potensiyal upang makapagpabago at magsakapangyarihan sa mga batang pinag-aalayan ng mga akdang ito. Gayundin, makakatulong ang rebyu upang hubugin ang pambansang kamalayan tungkol sa pagtingin sa panitikang pambata sa Pilipinas. Dahil dito, tinipon ng Supling Sining, Ink., at Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang ilang rebyung nagtataguyod sa mga aklat pambatang nailathala mula 2019 hanggang 2022. Ang mga rebyu ay isinulat ng mga akademiko, guro, manunulat ng kuwentong pambata, mga magulang at mag-aaral—mga tagapagtaguyod ng batang Pilipino. Hangad ng Suring Supling: Kalipunan ng mga Rebyu ng mga Aklat Pambata sa Pilipinas na ipakitang kasama ang pagsusuri sa mga akdang pambata sa pagpapayabong ng panitikang pambata sa Pilipinas. Maituturing itong panghikayat sa mga nais ding magsulat ng aklat pambata dahil mas nauunawaan ang mahahalagang katangian ng isang mahusay na kuwentong pambata sa mga rebyu. Marami pang aklat pambata na naghihintay ng pansin, pagtitig, pagsisiwalat, at pagpapahalaga at pagtangkilik, upang maging tinig ng mga musmos sa isang lipunang mas malaya at mapagpalaya.

Tara, get up!

Princi Vijay Rajratna

Author:

Publisher:

StoryWeaver Community

Description:

My story is about how parents should not treat their kids. The way parents treat their kids really effects the mental and physical health of kids. Parents should encourage their child to learn and grow. And should always keep their child happy in a right way.

Teacher Helps to Learn

UNICEF

Author:

Publisher:

The Asia Foundation - Let's Read

Description:

Meena shares how her teacher made Monty others realize that learning can be fun, too.

The Amazing Library

Sekar Ayu Adhaningrum

Author:

Publisher:

The Asia Foundation - Let's Read

Description:

Gabo tags along to the library with Kana and Belu. There, Gabo has an exciting experience. Will Gabo want to go to the library again?

The Arts in the Middle Ages and at the Period of the Renaissance

P. L. Jacob

Author:

Publisher:

Project Gutenberg

Description:

"The Arts in the Middle Ages and at the Period of the Renaissance" by Paul Lacroix is a historical account written in the mid-19th century. The work explores the evolution and significance of various art forms during the Middle Ages and Renaissance periods, detailing their cultural impacts and the craftsmanship involved. The book aims to present a comprehensive overview of artistic traditions, ranging from architecture to decorative arts. At the start of this book, the author outlines his ambitious project, focusing on the transition of art from the Middle Ages—characterized by a spiritual and often rugged aesthetic—to the flourishing creativity of the Renaissance, which embraced classical ideals of beauty and form. Lacroix delves into the origins of furniture used in this era, discussing the transformation from simple materials to ornate craftsmanship as society evolved from a state of barbarism to one of prosperity and cultural richness. He introduces themes of ornamentation, the influence of various cultures, and the societal changes that prompted new artistic expressions, making it clear that the arts serve as a reflection of historical developments.

The Assassins Blade

Sarah J. Maas

Author:

Publisher:

Bloomsbury

Description:

Celaena Sardothien is her kingdom’s most feared assassin. Though she works for the powerful and ruthless Assassin’s Guild, Celaena yields to no one and trusts only her fellow killer for hire, Sam. When Celaena’s scheming master, Arobynn Hamel, dispatches her on missions that take her from remote islands to hostile deserts, she finds herself acting independently of his wishes-and questioning her own allegiance.
bottom of page