top of page
KIDS (2).png

e-Books

PS 21 : Wika, Panitikan, at Kultura sa Ilalim ng Batas Militar

Nancy Kimuell-Gabriel, and Michael Andrada

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Inihahandog natin ang Aklat-Palihan sa lahat ng mga nagbuwis ng buhay, mga bayani, at patuloy na nnaninindigan laban sa awtoritaryan at marahas na pamumuno sa ilalim ng Martial Law, na ngayong 2022 ay sumapit na sa ika-50 Anibersaryo ng Deklarasyon ng Batas Militar sa Pilipinas mula noong 1972. Sa pamamagitan nito, nais nating ipaalala na hindi natin nalilimutan ang lagim na dulot ng Martial Law. Itinataguyod natin ang pangangailangang maging mapagbantay, magsuri nang lubos, at matuto sa ating karanasan upang hindi na muling maulit ang pagkakamali at pinsalang naidulot ng marahas na paghahari ng diktadurang Marcos. Isinususog dito na walang katapusan ang laban para sa katotohanan at katarungan, laban sa kasinungalingan, sa mali, sa masama, sa marahas, at di-makataong paraan ng pagpapatakbo ng bayan. – Mula sa “Pagpapakilala sa Aklat ng Palihan sa PS 21” ni Dr. Nancy A. Kimuell-Gabriel

Pagkakasala at Kaparusahan

Hermman M. Bognot

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ito ang paglalarawan sa mapait na kalagayan sa daigdig. Mukhang walang pag-asa at walang masusulingan ang mga tao. Kahit sa pelikula sa kasalukuyang panahon ay hindi pa naipakikita ang ganitong eksena, kung saan ang mga tao, na tila mga zombie na sinasaniban o nahawa ng napakabagsik na virus o espiritu, ay naging labis na matalino at matindi ang yakap sa mga prinsipyo, doktrina, at ideolohiyang sumanib sa kanila. Sila lamang ang tama at wala nang iba pa. Handa silang gawin ang kahit ano, magbaka ng hirap at pasakit, lumaban, pumatay, kumain ng buhay na kapwa-tao upang isulong ang mga layuning makatuwiran at makatarungan sa kanilang pananaw. Gayunpaman, hindi naman lubusang magiging impiyerno ang daigdig at hindi malulunod, masusunog, at malulusaw nang dahan-dahan sa kumukulong lawa sa impiyerno ang mga tao habang naririto pa sa lupa. Hindi ganoon kawalang-pag-asa ang lahat. May kasagutan at solusyon sa suliranin. May binabanggit si Dostoyevsky na iilang maaaring makapagligtas sa sangkatauhan. Makikita nila ang tamang landas at maituturo sa mga nagkaligaw-ligaw at wala nang masulingang hindi na malaman ang patutunguhan. Sila ang mga hinirang at malilinis ang puso, na magsisimula ng bagong uri ng tao at bagong buhay sa mundo. Pag-iibayuhin at lilinisin nila ang buong daigdig. – Mula sa Panimula ng Tagasalin Si Herman Manalo Bognot ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng mga Wikang Europeo sa UP Diliman at nagtuturo ng wikang Ruso. Matibay ang kaniyang paniniwala na ang pagtuturo at pag-aaral ng mga wikang dayuhan ay maaaring gabayan patungo sa layuning pagyamanin at paunlarin pa ang wikang tinubuan. Ang pagsasalin ng mga dakilang Obra Maestra gaya ng Pagkakasala at Kaparusahan ni Feodor Dostoyevsky ay isang magandang halimbawa. Naniniwala si Bognot na maaaring sakupin ang walang-hanggang mundo ng panitikan sa pamamagitan ng pagsasalin.

Pagtatahip-Dunong: Mga Awit ng Kilusang Bayan sa Pilipinas (1986-2018)

Joel C. Malabanan

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ang librong ito ay nagtangkang tugunan ang sumusunod: Paano nagbago at umunlad ang mga awit ng kilusang bayan mula 1986 hanggang 2018? Paano magagamit ang mga ito sa pagtuturo? Ano-ano ang mga awit na nalikha noong 1986-2018 na itinatanghal ng mga kilusang bayan sa Kalakhang Maynila magmula 1986 hanggang 2018? Paano sinasalamin ng mga awit ang kalagayan ng lipunan at paano nagkabisa ang mga ito sa pakikibaka ng mga kilusang bayan? Paano magagamit ang mga musikang makabayan sa pagtatahip-dunong upang higit na mapahalagahan ang pag-aaral ng wika at panitikan (sa elementarya at hayskul) at labanan ang paglaganap ng kaisipang kolonyal sa kabataan sa kasalukuyan? Si Joel Costa Malabanan ay isang makata at musikerong guro. Kasalukuyan siyang isang full-time propesor ng Filipino sa Fakulti ng mga Sining at Wika sa Philippine Normal University. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Cavite State University sa kursong Bachelor of Science in Agriculture, Major in Agricultural Economics at nakumpleto naman niya ang digring Master sa Sining sa Wika at Panitikan sa Filipino sa De La Salle University, Taft Avenue. Sa University of the Philippines, Diliman naman niya tinapos ang kanyang Ph.D sa kursong Philippine Studies. Nakapagturo siya ng Araling Panlipunan sa Divine Light Academy (1992-1997) sa Las Pinas City, Manila at naging Subject Area Coordinator ng Araling Panlipunan at Filipino sa Saint Vincent de Paul College (1999-2008) sa Bacoor, Cavite. Naging guro rin siya ng Filipino sa Elizabeth Seton School (1997-1999) sa Las Pinas City, Manila at sa University of Perpetual Help System Dalta (2008-2012) sa Molino, Bacoor. Naging Filipino instructor din siya sa De La Salle University, Dasmarinas, Cavite noong 2007.

Pamimintana sa Pag-asa

Eugene Y. Evasco and John Ronnel G. Popa

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Matutunghayan sa aklat ang pinakamabubuting tula na sadyang nilikha para sa mga bata. May iba’t ibang anyo at uri ito: may panalangin, may oyayi, may tulang naratibo, may lirikal, at may tulang nagsisikap na suriin ang lipunan sa paraang maiintindihan ng mga bata. Naipamalas ng aklat na ito ang kakaibang uri ng bayanihan. Sa gitna ng kawalang-katiyakan ng pandemya at kuwarentena, nagkapitbisig ang mga guro, manunulat, at ilustrador na makapag-alay ng mainam na aklat para sa mga bata.

Pasingaw: Mga Bagong Kasabihan at Maikling Alamat

Rommel B. Rodriguez

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Tinipon sa Pasingaw ni Rommel B. Rodriguez ang mga bagong kasabihan, maikling alamat, at aporismo na kaniyang nasulat at napaunlad sa pamamagitan ng birtwal na mundo ng social media. Naging lunsaran ito ng muni-muni bilang paraan ng interpretasyon at pag-unawa sa mga nagaganap sa lipunan, mula sa maliliit na obserbasyon hinggil sa pag-uugali ng nagbabagong mamamayan, hanggang sa malalaking isyu’t usapin ng bayan tulad ng katarungan at kapayapaan.

Pira-Pirasong Pilas: Mga Tula


Liberty A. Notarte-Balanquit

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

“Walang eksaktong agham ang pagtula. Ngunit maaaring maging matalino ang isang makata at ang pagtula. Sa henerasyong milenyal at instant-poetry, narito ang isang tinig na nagpapakita na ang pagtula ay hindi lang isang kakayahang maaaring maaral gamit ang wika, imahen, at mga pandama…Madalas kilala ang babaeng makata na gumagamit ng emosyon o testimonya bilang isang feministang kontribyusyon sa pagtula o pag-aakda. Ngunit ang mga tula ni Liberty ay pagpapatunay na ang babaeng makata ay di iba sa ibang uri ng kilalang makata at malikhaing manunulat, hindi lang isa ang kakayahan at kagandahang kayang ipamalas. Gaya ng isang curious na manlilikha, may iba’t ibang sinulid, burda, at pinanggagalingang panunulsi ang koleksyon na kapag hindi naging maingat at matalino ang makata ay lalabas bilang isang dispalinghadong komposiyon o hari-hariking kasuotan.”

Race of Equality

15-Sanika Dhapsi

Author:

Publisher:

StoryWeaver Community

Description:

A race between animals, they learn about equality.

Sa Madaling Salita

Rommel B. Rodriguez, and Choy S. Pangilinan

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ang proyektong ito’y hindi lamang nakatuon sa pagtipon ng panayam. Higit pa layunin nitong magsagawa ng dokumentasyon sa alaala, pananaw, karanasan, idea’t saloobin ng mga guro’t mag-aaral na naging saksi sa pagsisimula, pagbuo, praktika, pagsulong, at patuloy na pag-unlad ng wikang Filipino sa loob at labas ng Unibersidad. Sa mga panayam natukoy ang kritikal na ambag ng wikang Filipino sa pagpapataas ng kalidad ng ating sistema ng edukasyon, antas ng kamalayan ng guro, mag-aaral at mamamayan sa pangkalahatan. Hindi maitatanggi na nananatiling hamon ang paggamit sa sariling wika sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik sa loob at labas ng Unibersidad. Habang nananatili ang pangangailangan sa pagbuo at pagsulong ng mga kilusang masa, tulad ng nangyari sa mga naunang dekada upang patatagin ang wikang Filipino bilang wikang pambansa na may layuning pag-isahin ang bansa. Gayumpaman, bagaman may kani-kaniyang posisyon ang mga akademiko hinggil sa usaping pangwika, sa pamamagitan ng pagtipon ng mga panayam na ito, naging tulay ang diskusyon hinggil sa wikang Filipino upang tumungo at magtuon sa usapin sa ambag nito sa ating pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan. Sa mga panayam nabuo ang mga patunay na daluyan ang wikang Filipino upang maimapa ang tunguhin ng bansa.

Sahaya: Mga Tula at Dagli mula sa Sahaya: Timpalak Pampanitikan

John Christopher Lubag, Katherine Jayme, Michael Balili, and Michael Andrada

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ang salitang “sahaya” ay taal na salita ng mga katutubong Badjao na nangangahulugang “liwanag” at “pag-asa.” Sa ganitong pagtingin nakasandig ang antolohiya, na produkto ng Sahaya: Timpalak Pampanitikan (STP) 2021 ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. Binubuo ito ng mga malikhaing akdang pumapaksa sa halaga at praktika ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas, karanasan ng mamamayan sa pagharap at paglaban sa pandemya at pasismo, at pagkilos para sa panlipunang transpormasyon o pagbabanyuhay.

Saving Pigeon's Eggs

Rauhiyatul Jannah

Author:

Publisher:

The Asia Foundation - Let's Read

Description:

When Fatih saw Rosma’s brooding pigeon, he became very curious. But as soon as he got close, she flew away and left her eggs behind. Fatih wants to help Rosma save the eggs. What should they do?
bottom of page