top of page
KIDS (2).png

e-Books

Ang Matanda at ang Dagat

Jesus M. Santiago

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Kinikilalang isa sa pinakamahusay na kwentista ng ika-20 siglo si Ernest Hemmingway (1899-1961). Kabilang ang pamosong The Old Man and the Sea (1952) sa kaniyang mga akda na pumapaksa sa lakas at dangal ng tao. Ang iginigalang na makata at musikerong Jesus Manuel Santiago ang nagsa-Filipino sa bersiyong itinituring na gumagagap sa diwa at tekstura ng orihinal. Malaking pakinabang ang Ang Matanda at ang Dagat sa mag-aaral ng literaturang pandaigdig na mababasa ngayon sa sariling wika. Si Jesus Manuel Santiago, o Jess Santiago, o Koyang Jess ay isang makata, mang-aawit, kompositor, tagasalin, kolumnista, book designer, at manggagawang pangkultura. Hinirang siya bilang “Makata ng Taon” noong 1978 at 1979 ng dating Surian ng Wikang Pambansa. Ilan sa kaniyang mga aklat ay ang koleksyon ng mga tula, ang Gitara: Mga Tula 1975-1985, at ang katipunan ng mga kolumberso, ang Usapang Kanto. Isinalin niya sa Filipino, at kinikilalang pinakamatapat na bersiyon sa Filipino–at may natatanging orihinalidad sa tinubuang wika–ang nobelang The Old Man and the Sea ni Ernest Hemingway.

Ang Pilipinong Seaman sa Globalisasyon: Mga Naratibo ng Pagsubok at Pakikibaka

Joanne V. Manzano

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Tinalakay sa aklat kung paano naisasakatuparan ang konseptwal na dibisyon ng dagat at lupa upang maisulong ang mga layunin ng neoliberalistang globalisasyon.

Ang Tala, mga Panaginip, at Bulaklak sa Libingan ng Daga

Mario I. Miclat

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

“Ang kathang agham ay sangay ng fiction na patungkol sa posibleng epekto ng siyensiya at bagong teknolohiya sa tao at/o sistemang panlipunan. Pumapatungkol ito sa bagong pagtingin sa lipunan ng tao o sa katangian ng indibidwal , o sa mga bagay na magaganap sa hinaharap ayon sa isang teoryang siyentipiko. Tampok sa Ang Tala ang malayong bukas, upang malimi ang hiwaga ng sangkatauhan. Dadalhin din tayo ng Mga Panaginip ni Einstein sa nakaraan para maintindihan ang takbo ng isip at diwang nag-uudyok sa isang dakilang siyentista. Samantala, ang Bulaklak sa Libingan ng Daga ay kuwento ng isang kagilagilalas na eksperimento upang maging henyo ang isang taong “salat sa pag-iisip.” Si Dr. Mario Ignacio Miclat (1949-2021) ay isang makata, manunulat, at eksperto sa pagsasalin at mga pag-aaral hinggil sa China. Naging Dekano siya ng UP Diliman Asian Center, at nagsilbi bilang tagapangulo ng National Committee on Language and Translation ng National Commission for Culture and the Arts. Nagsilbi rin siyang Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino-UP System noong 1996-2001. Itinanghal siyang Kampeon ng Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2019. Kinilala ang kaniyang mga akda at pananaliksik ng Gawad CCP, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, at marami pang iba. Mahalagang ambag ang kaniyang pagsasa-Filipino ng mga kathang agham na matatagpuan sa koleksyong ito. Patuloy siyang inaalala at minamahal ng marami.

Antala

Maricristh T. Magaling

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ineeksplor ng “Antala” ang konsepto ng pagkabalam at paghihintay bilang lunsaran ng pagmumuni sa iba’t ibang danas tungo sa pananalinghaga. May pagtatangkang tuntunin ang iba’t ibang bagabag sa mga tula sa koleksiyon. Kaabalahan sa mga tula ang pagninilay sa panahon at mga sandali para sa isang babae, manggagawa, mangingibig, o mandirigma.

Awit ng Bakwit

Vijae O. Alquisola

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Koleksyon ito na nagpapasingaw sa danas ng mga dinahas at patuloy na dinadahas ng estado. Paglalapit ito sa mga bata at matatanda sa reyalidad ng mga batang Lumad. Maririnig sa mga tula ang kapirasong naratibo ng mga batang Bakwit na nakaugnay sa matanda nang pakikipaglaban ng kanilang mga ninuno kung saan mahigpit na nakatali ang kanilang kultura at buhay. Ito ang kanilang kahimtang kung sa wikang Bisaya, kene kung sa T’boli, kagka sa B’laan, kabutang sa Mandaya, ko-ingumannan sa Manobo Tinananon, at kalagayan sa Tagalog. Binaligtad ng mga tinig sa tula ang kumpas na ang bata ay tagatanggap lang at di aktibo sa lipunan at pagbabago sa kaayusan nito – CHINA PEARL PATRIA DE VERA

Balada ng Bala at iba pang mga Tula

Amado Anthony G. Mendoza, and Mark Laurence D. Garcia

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Maraming bagay na idinudulog at isinusubi ni Wiji sa kaniyang mga tula. Isa na rito ang pagnanais niyang maging bala. Alam iyon ng kaniyang mga naiwan. Alam din nila na nagtagumpay si Wiji sa bagay na iyon, bagaman nananatili pa rin ang mga pader (tembok) at bakod (pagar) na kailangang tibagin. Tulad ng tinuran ni Fitri (panganay na anak ni Wiji) sa kaniyang eponomyong tula na “Nagtagumpay kang Maging Bala” (Kau Berhasil Menjadi Peluru), nagtagumpay si Wiji na maging bala. Isang balang kumawala at tumalilis mula nguso ng baril bitbit ang kabataan, pangarap, at takot ng isang henerasyon. Isang balang walang-tigil at walang-mintis na aasinta, tutugis, babaon, at tatagos sa noo ng mga kaaway ng kalayaan, bayan, at imahinasyon.

Balaraw: Mga Tula at Dagli sa Panahon ng Pandemya at Pasismo

John Christopher DG. Lubag, Michael Balili, and Mykel Andrada

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ang Balaraw: Mga Tula at Dagli sa Panahon ng Pandemya at Pasismo ay kalipunan ng mga malikhaing akdang pampanitikan na layong idiin ang halaga at praktika ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas bilang sandata ng pagbalikwas ng mamamayan tungo sa pagtataguyod ng sama-samang pagkilos at pagtindig laban sa patuloy na pag-iral ng opresyon, sistematikong karahasan, politikal, at pang-ekonomiyang krisis sa gitna ng pasismo at pandemya. Itinatampok sa antolohiyang ito ang mga akda nina Tresia Siplante Traqueña, Ronnel V. Talusan, Renz Rosario, Paolo Manalo, May M. Dolis, Kris Berse, Katherine T. Jayme, Juan Ekis, Joshua Mari Lumbera, Faye Cura, Christine Marie L. Magpile, Beverly W. Siy, Von Mark Viñas, Stefani J Alvarez, Roma Estrada, Mark Angeles, at Ansherina May D. Jazul.

Beowulf: An Anglo-Saxon Epic Poem

J. Lesslie Hall

Author:

Publisher:

Project Gutenberg

Description:

"Beowulf: An Anglo-Saxon Epic Poem" by J. Lesslie Hall is an epic poem written in the late 19th century. The narrative focuses on the heroic figure Beowulf, a warrior from Geatland, who seeks to help Hrothgar, the Danish king, rid his land of the monstrous creature Grendel that has been terrorizing his mead-hall. This tale weaves themes of heroism, loyalty, and the struggle between good and evil, set against the backdrop of the early medieval period. The opening of the poem introduces the legacy of Scyld, the founding king of the Danes, and his great lineage, leading up to Hrothgar's reign. After building Heorot, a grand mead-hall, Hrothgar faces despair as Grendel attacks nightly, slaughtering his warriors. Word of Hrothgar's plight reaches Beowulf, who decides to journey to the Danes with a band of fourteen warriors to confront Grendel. The scene is set for a monumental clash between the might of Beowulf and the terror of Grendel, emphasizing the values of strength, courage, and honor that define the epic tradition.

Bien! Bien! Alagad ng Sining, Anak ng Bayan

Teresita Gimenez-Maceda, Amado Anthony G. Mendoza III, and Galileo S. Zafra

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Ang Bien! Bien! Alagad ng Sining, Anak ng Bayan ay antolohiya ng mga akda na alay para sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Dr. Bienvenido L. Lumbera—makabayang guro, manunulat, at kritiko. Nakatampok sa koleksiyong ito ang mga kritikal na papel na nagdidiskurso sa mga paksa sa larangan ng wika, panitikan, pelikula, kultura, kasaysayan, at politika; gayundin ang mga malikhaing akda—mga kuwento, dula, tula, sanaysay, at saling pampanitikan. May mga larawan ding ipinakisuyo namin sa mga anak mismo ni Sir Bien. Ang mga nag-ambag ng kanilang mga kritikal at malikhaing akda ay mga kasamang guro sa UP DFPP at sa iba pang pamantasan pinagturuan ni Sir Bien; estudyante sa mga klase sa panitikan; mentee sa pagsulat ng tesis at disertasyon; workshopper ng iba’t ibang palihan sa pagsulat kung saan nagsilbing panelista si Sir Bien; nakatrabaho sa mga proyekto sa publikasyon, sa pelikula, at iba pang media; nakasama sa mga laban para sa wika, kultura, at iba pang usaping panlipunan sa loob at labas ng akademya; kamiyembro sa mga organisasyon ng manunulat, kritiko, edukador; at barkada at kasama sa kilusang makabayan. Ipinahihiwatig ng listahan ng kontribyutor ang samot-saring tao at sektor ng lipunang nakaugnayan ni Sir Bien at ang lawak ng espasyong ginalawan niya para isulong ang makabayang pag-iisip, pagkilos, at paninindigan. Ang Bien! Bien! Alagad ng Sining, Anak ng Bayan ay alay namin sa aming Dr. Lumbera, Doc Bien, Sir Bien, Bien, at Itay. Nais din naming ituring na ang mga ambag sa antolohiyang ito ay kumakatawan sa iba’t ibang anyo at antas ng impluwensiya ni Sir Bien sa iba’t ibang engkuwentro at ugnayan namin sa kaniyang mga gawa, at sa kaniyang mga pananaw at paninindigan. – MGA PATNUGOT

Bilang Babae

Geraldine Gentozala – Juachon

Author:

Publisher:

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Description:

Isang kalipunan ng ilang danas ng mga babae, anuman ang edad o katayuan sa buhay.
bottom of page